GAT ANDRES


talo sa inglesan 'pre! iba talaga pag pinoy eh! sooolid! so bale eto na yun bagong facebook wall ko ngayon, farming edition nakanaman, neeeh! ge post lang ng post 'pre! tagay para sa q-mart! 

14 comments:

  1. so bale, anakanang! ang kulit o! e di ko kasi ewan parang di naman yata kasi pwede lagyan ng mga additional post ang mga additional page eh. so bale parang nagcocomment na 'ko neto sa sarili kong comment na comment ng isa ku pang comment pag nagkataon. parang tanga lang ampotah. so pano yan, let the games, begin!

    ReplyDelete
  2. wuuui pwedeeee. mapapadalaaas. solid, solid, parang facebook lang neh? wa. sige nga click post! shoot!

    ReplyDelete
  3. baaaaah! hah! ayos toah! haaaneppp! ina! mabuhay ang mga autistikkk! potah.

    ReplyDelete
  4. sa ilang sandali ay mag-eexpire na a UNLISURF 50 send to 2200 ko. pero okay lang kaseeeh? manonod akong tv kaseeeeh? sabi ng tatay me inupper cut daw si inday sarah! yung mayor. solid!

    ReplyDelete
  5. NOW PLAYING: Ultraelectromagneticpop Playlist. shit talaga ang daing flashes, men! matagal ko na ko gusto isulat eh, pero alam mo yung di mo alam kung san ka dapat magsimula, yun kahit pano mo simulan di mo makuha-kuha? siguro me mga bagay talaga na kahit panong gusto mong ikahon hindi pwede gawa nang walang mga katumbas na salita. parang sinasabi wag ka na magtangka, hindi naman nabubura sa isip moeh, dun mo na lang balikan. huli naman na pati ng soundtrack eh, dun mo na lang pati sabayan. ina talagaaa! nakakagigil na di mo alam mapapangiti ka na lang ang hirap hulihin. suko na ako, men! masyadong perfect di ko kayang pantayan man lang.

    ReplyDelete
  6. nag birthday pala ang tatay ko. hanap ako ng hanap ng love birds at lahat yata ng mga ibon sa backyard pinagtatrap nya pampalit sa mga yumao nyang love birds kakalipat ng kulungan. e wala. so wala. dun lang namin nicelebrate sa bundok, pinagluto nya lang ng lelud pati pancit yun mga trabajador dun tas inubos nila so wala na kami makain.

    ReplyDelete
  7. tulala na naman pre! tambay. ambagal ng alas cuatro...

    ReplyDelete
  8. nung nakaraang araw umuwi ang tatay at nanay galing bukid. may dalang gahiganteng mangga. pati ako nagulat sa sobrang laki. medyo gumaang bigla ang lahat. ganito pala sa bundok. simpleng biyaya lang na hindi naman madalas dumarating masaya na ang lahat. kelan kaya ako makukuntento...

    ReplyDelete
  9. kahapon naglalakad ako papuntang bukid bigla akong naabutan ng dalawang batang galing eskwela. nag cutting classes yata at umuwi ng tanghali. pansin ko parang hinahabol nila ang mga hakbang ko. mabilis din kasi ako maglakad. nung napansin kong parang ako naman ang sinusundan kinausap ko tinanong kung pauwi na sila. oo sabay tanong kung asan na daw ang picture nila. sila pala yun nakuhanan ko ng picture nung nadaanan namin naglalaro ng habulan. napatawa ako sabay sambit na nasa camera sa bahay. medyo hindi sila masyadong natuwa sa sinabi ko. tuloy-tuloy lang ang lakad hanggang naliko na sila nung nadaanan na namin yung bahay nila. derecho naman ako. sana pala dinala ko yun camera ko.

    ReplyDelete
  10. hindi ko alam. kagabi me kung ano. di ako makatulog. siguro naidlip na lang ako bandang alas tres na ng madaling araw. nangyari na 'to dati. sana kayanin ko pa.

    ReplyDelete
  11. sa dinami-dami nang nangyari naisip ko kung pagbibigyan pa kaya ako ng Dios sa mga hiling ko. ang problema hindi ko na rin alam kung ano. ang hirap ng ganito.

    ReplyDelete
  12. eto lang pre! kakatawag lang ni art. wala na rin pala sya dun sa dati. inaalok ako ulit, kahit magkano daw desperado daw kasi yun bombay. eto susubo ko na lang nag-aalangan pa rin ako. pa'no na dito. alam ko na ala naman akong silbi dito pero alam ko rin na sapat na sa mga magulang ko na andito 'ko. ang hirap pre. aaminin ko minsan napapaluha na lang ako. kung ako lang, alam ko ang hirap ng nakatengga lang dito pero alam ko rin na pag gun araw-araw akong babagabagin ng konsensya ko kakaisip sa kung anu man ang meron dito. ang hirap...

    ReplyDelete
  13. 2:18AM. sana makatulog na.

    ReplyDelete
  14. employed! ata. kelan ba yun huli. july 14. september 8 na. iisipin ko na lang na ber na. ewan ko ba. di rin naman talaga ako pinapabayaan ng dios. pagkatapos ng field trip sa bukidnon kahit papano matatanggap ko na rin siguro sa wakas na habambuhay na akong magsasaka mapapako sa bundok. pero mukang di pa ata talaga. eto biniyayaan na naman. sobra-sobra pa. manager na, patravel-travel pa! sangkanaman! haaay teynk yu lord!

    ReplyDelete